-->

Chapter 4

>Anica's POV< 

"Thank you" sabi ko sa lalaking nag-abot ng puting panyo sa akin.

 Nagkakatitigan kami, ngunit pagkatapos lamang ng mga tatlong segundo ay inalis na niya ang kanyang mga tingin at itinuon ang kanyang mga mata sa bintana sa tabi niya. 

"Pasensya ka na ha..." sabi ko.

 "Akala ko kasi... akala ko kasi kaya kong pigilan ang umiyak. Hindi pala. Ang sakit sakit kasi nito eh." turo ko sa kaliwang parte ng aking dibdib..

 "Wala na kami. Ngayon ngayon lang... At...." napatigil ako paglingon ko sa kanya.. . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

 Ay ang walangya, tulog pala?

Napatingin din ako sa tenga nya na may naksuksok pala na earpods.

Sa dami ng sinabi ko wala pala siyang narinig ni isa.. Wala pala akong kausap,kanina pa ko nagddrama dito.. Napabuntong hininga ako..

 Napayuko ako ulit at napatingin sa panyong ibinigay nya sa akin.

 "Bethany..."

 May nakaburdang "BETHANY" sa panyong ibinigay nya sa akin.

Siguro girlfriend nya to. Napatingin ako sa kanya..

Maputi,mahabang pilik mata,mapupulang labi,matangos na ilong. Kung susumahin,papasa sa asosasyon ng  perfect man tong si kuya eh. Kaya hindi mo mapagkakailang may girlfriend na sya..Pero mas gwapo pa din si Vince.. Si Vince ko....

"Vince..."mahinang sambit ko.

Napatingin ako sa singsing sa aking kanang kamay. Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina.

Ayan na naman,may tumutulo na namang mga luha sa aking mata.

"Ano na naman ba!!!"mahinang sabi ko sabay punas sa aking mga luha..

Ipinikit ko ang aking mga mata,pilit kong pinipigilan ang luhang gusto ng bumagsak at unti unti, unti unti naman akong dinalaw ng kaantukan hanggang sa kalaunay ako'y nakatulog na...

-------------------------------------------------------------------------------------------------

“Ladies and gentlemen, we arrive at Godofredo P. Ramos Airport. Local time is 4:09pm."

On behalf of  Cebu Pacific Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day”

Unti-unti kong binuksan ang aking mata. Ang haba pala ng itinulog ko.

Binuksan ko ang phone ko at tinurn-off ko na ang airplane mode nito.

Isa-isang nagdatingan ang mga messages,notifications galing sa mg kaibigan ko.

Cynthia: Anica!!! Anong nangyari

Cindy: Totoo ba?

Hailey:Anica,okay ka lang ba?

Ilan lang yan sa mga messages na natanggap ko.

Paano nila nalaman?...

"Si vince..."

Ang kapal...

At siya pa talaga ang may ganang mag-announce na wala na kami ha? Excited lang.

Halo halo ng emosyon ang nararamdaman ko.

Galit.

Sakit.

Lungkot.

Para bang panaginip at pinaglalaruan ako ng tadhana. Parang sa isang iglap nagalit si tadhana at pinagtripan akong saktan..

Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa mata ko pero pinilit kong pigilin ang mga ito. Tumingala ako para hindi matuloy ang pagbagsak nito at nagtagumpay naman ako..

Kinuha na ng mga pasahero ang kani-kanilang bag kaya nakigaya na din ako.

Pilit kong inaabot ang bag ko sa itaas ngunit naiusog ata ng masyado kaya hindi ko na maabot pa.

Tatangkain ko sanang umapak sa upuan ngunit kinuha at inabot na sa akin ng gwapong lalaking katabi ko ang aking bag.

"Thank you again" sabi ko sabay kuha ng aking bag.

Tumango lang siya.

"Sandali lang.. yung panyo mo.." sabi ko sabay hawak sa braso nya

"what??" sabi nya sabay lingon sa akin.

Agad ko namang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya

"uhmm ano, your handkerchief.." sagot ko sabay pakita ng panyo sa kanya.

"no,it's okay.keep it." sabi nya sabay alis ng tingin at nagmamadaling maglakad paunahan

Naiwan akong nakatulala sa nangyari.

"Problema nun?bakit parang biglang bad mood yung ingleshero na yun. Parang ayaw lumapit sa akin at kausapin ulit ako pagtapos akong kausapin kanina..."

Inamoy ko ang sarili ko,gayun din ang hininga ko.

"Okay naman ah!,adik ata yun eh".. Binalewala ko nalang ang nangyari at inilagay ang panyo nya sa aking bag.

Napatingin ulit ako sa phone ko at hindi pa din tumitigil ang dating ng mga messages galing sa mga kakilala namin ni Vince.

"Tama na please!!!" sabi ko sabay turn-off ng aking cellphone.

Gusto ko munang mag-isa.Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Yung tipong parang namanhid nalang na hindi mo na maintindihan pa... Kailangan ko to, kailangan ko munang mag-isip. Kaya simula sa araw na to mawawala muna si Anica.

Nagsimula na akong maglakad ng tuloy-tuloy dahil simula sa araw na to, hindi na muna ako lilingon sa mga alaala at nagpapaalala sa akin ng nakaraan. Ngayon kakalimutan ko muna to lahat..


>End of Chapter 4<
















No comments:

Post a Comment

Instagram